Monday, September 24, 2007

Ang Alpha (Ang Simula)

Welcum! Welcum! Hello sa mga mahadera, mga sosyalista, mga social-climber at mga tulad kong longkatuts! Kurekted by! Ang blog pong ito ay isinulat ng isang tulad ni Inday, ang ating kasambahay, gumagawa ng gawaing bahay, nagluluto at minsan pa ay taga-paypay. Naglalayon ang blog na ito na makatulong sa pag-angat ng antas at ng tingin ng sambayanang Pilipino sa mga katulad kong nangangamuhan, at ang opisina ay sa loob lamang ng bahay ni ate at kuya. Ang tanging equipments na gamit ay walis, washing machine, plantsa, atbp. na makikita lamang sa loob ng inyong mga tahanan at suking tindahan!

Samahan nyo po ako sa pagsubaybay sa pakikipagsapalaran ni Inday Sosyal.

No comments: